ONLINE CLASS KITS IPINAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE SA TANZA, CAVITE
NAMAHAGI ng online class kits ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Julugan VII sa Tanza, Cavite bilang tulong sa mga estudyante para sa kanilang distance learning.
Ang online class kits ay para sa mga junior at senior high school at college students ng Julugan VII. Naglalaman ito ng laptop table, earphones, papel, lapis at crayola.
Sa isang Facebook post, sinabi ni SK Chairperson Neilwynn Araracap na hangad nilang makatulong sa mg estudyante kahit sa maliit na paraan.
“Hangad namin na makatulong sa mga estudyante sa kanilang online class kahit sa maliit na paraan,” sabi niya.
Nauna rito ay nagbigay ang SK ng mga bond paper sa Julugan Elementary School upang magamit sa mga gawaing pampaaralan.
Dagdag ni Araracap, nais nilang mabigyan ang ang lahat subalit limitado lamang ang kanilang pondo.
“Gustuhin man po naming mabigyan lahat, ang pondo po namin ay limitado lamang. Salamat po sa pang-unawa.”