Region

NEGROS OCCIDENTAL NAGBIGAY NG P8-M NA TULONG PINANSIYAL SA DEPED FARM SCHOOLS

/ 5 February 2023

NASA P8 milyon ang ibinigay na tulong ng Negros Occidental provincial government sa mga rural farm schools ng Department of Education sa buong lalawigan.

May 12 dibisyon ang mga eskwelahang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagmula sa Special Education Fund.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Gov. Eugenio Jose Lacson ang kahalagahan ng Republic Act 10618 o ang Rural Farm Schools Act sa Negros Occidental.

“Thus, it is more relevant to us, and gives us more reason to pursue and support its implementation,” aniya.

Ang Rural Farm Schools Act ay nag-uutos sa DepEd na hikayatin ang pagtatayo ng pampublikong rural farm school sa bawat lalawigan ng bansa.

Sinabi ni Lacson na ang pagbibigay ng pondo sa mga rural farm schools ay isang hakbang tungo sa pagkamit ng layunin ng lalawigan na bigyan ng pokus ang agri-fishery, forestry, farm entrepreneurship, community development at edukasyon para sa sustainable development, at iba pang community-specific na paksa sa pamamagitan ng school curricums.