NABAOY ELEMENTARY SCHOOL NAMAHAGI NG PRINTER SA MGA GURO
NAMAHAGI ang Nabaoy Elementary School sa Malay, Aklan ng printer sa mga guro upang mapadali ang paggawa nila ng learning materials.
Nakukulangan umano ang mga guro sa pag-produce ng Self-Learning Modules at ibang printing materials kung kaya ito ang naging tugon ng paaralan sa nasabing problema.
Ayon kay Teacher-In-Charge Bryan Ray Solano, kailangang siguruhin na mabibigyan ang mga estudyante ng sapat at dekalidad na edukasyon.
“Let us always make sure that all learning aids are in place to address the needs, situations, and resources of each and every learner and will cover all the bases in ensuring that basic education will be accessible amid the present crisis posed by Covid19,” pahayag niya.
Nagpasalamat naman siya sa Schools Division of Aklan at sa mga stakeholder na nag-donate ng mga printer.
Labis din ang pasasalamat ng mga guro ng NES sa mga indibidwal na tumutulong para magkaroon ng maayos na edukasyon ang Nabaoy learners.