MOUNTAINEERS NAMAHAGI NG MGA LIBRO SA CAGAYAN
NAMAHAGI ng mga aklat ang Sierra Falcones Mountaineering Group sa mga mag-aaral sa malalayong lugar sa probinsya ng Cagayan.
Katuwang ang pulisya, sinimulan ng naturang grupo ang Project Akyat-Aklatan sapagkat kanilang nakita ang kakulangan ng mga kagamitang pampaaralan sa mga liblib na parte ng lalawigan.
“It is never a question if we need to provide services to our community. Remember that we are not long in this world. We must at least make our part worth remembering and emulating,” wika ni Sierra Falconés Outreach Coordinator for Cagayan Valley and Greater Northern Luzon Joshua Kahulugan.
Ibinahagi rin niyang todo ang suportang ibinigay ni PNP–Cagayan Provincial Director Colonel Ariel Narag Quilang dahil na rin naranasan niyang lumaki at nangarap sa isang sityo noong bata pa siya.
Sinabi niya na tunay ngang ang dugo ng bayanihan ay dumadaloy sa ugat ng mga Filipino, lalo na sa mga krisis na kinakaharap, at patunay ang kanilang grupo na hindi hadlang ang pandemya at kinalalagyan ng mga mag-aaral upang sila ay makatulong sa pag-abot ng pangarap.
“I think the only answer we have is that we grew in an environment where we strived to achieve our dreams, and we carry the experience of these struggles. It is a story,” dagdag ni Kahulugan.