MOUNTAINEERS NAMAHAGI NG EDUCATIONAL MATERIALS SA MGA LIBLIB NA LUGAR
ISANG grupo ng mga mountaineer ang namimigay ng mga educational material sa mga batang mag-aaral sa mga liblib na lugar sa tuwing aakyat sila ng bundok.
“We visualize (a future) where everybody, every child is not anymore out-of-school-youth. We also advocate that reading is a must for us to learn on our own,” wika ni Jericho Joshua Kahulugan, coordinator ng Sierra Falcones, isang samahan ng mga mountaineering enthusiast.
Ayon kay Jericho, ang Project Aklan ay nakapagpatayo ng mini-libraries sa mga liblib na lugar upang agapayan ang mga bata sa kanilang pag-aaral.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 84 mini-libraries sa remote areas ang naipatayo ng grupo sa buong probinsya ng Cagayan. Nagagamit din ang libraries bilang augmentation sa learning continuity ng Department of Education.
Batid ng grupo nina Jericho ang higit na pangangailangan ng mga kabataang nakatira sa mga liblib na lugar sa usapin ng pagtamasa ng abot-kamay at dekalidad na edukasyon.
Kasabay ng kanilang pamamasyal sa mga kabundukan ay tinitiyak din nilang sila ay nakapaghahatid ng tulong para sa mga mag-aaral tuwing sila ay mapapadayo sa mga liblib na lugar.