Region

MOU PARA SA PAGTATATAG NG SENTRO NG WIKA AT KULTURA SA CEBU TECHNOLOGICAL U NILAGDAAN

/ 31 January 2021

IDINAOS noong Enero 22, 2021 ang birtuwal na paglagda sa Memorandum of Understanding para sa pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura sa Cebu Technological University.

Ito ang pang-44 na SWK na naitatag ng Komisyon sa Wikang Filipino sa buong bansa.

Ang paglagda ay sinaksihan ng mga opisyal at guro ng CTU, mga kinatawan mula sa Department of Education, Commission on Higher Education, National Commission for Culture and the Arts, at iba pang mga unibersidad sa Cebu at mga pribado at publikong organisasyon sa lalawigan.

Labis ang saya ni KWF Chairman Arthur Casanova sa gawaing ito sapagkat ang panibagong SWK ay tanda ng sigasig ng mga guro at pamantasang payabungin pa ang wika at kulturang nagbubuklod sa mga Filipino saan mang dako ng Filipinas.

Nagsilbing mga panauhing pandangal ng gawain sina KWF Commissioner Dr. Carmelita Abdurahman, CTU President Dr. Rosein Ancheta Jr., CHED Region 7 Director Dr. Maximo Aljibe, CHED Region 7 Chief Education Program Specialist Dr. Josefino Ronquillo, DepEd Region 7 Director Dr. Ramir Uytico, at NCCA Literary Arts Coordinator Haidee Emmiee Palapar.

Kasama rin sina DepEd 7 Schools Division Office Cebu Superintendent Dr. Marilyn Andales, SDO Cebu Education Program Supervisor in Filipino Dr. Araceli Cabahug, SDO Cebu Education Supervisor in Filipino Dr. Marivic Ople, at Young Thespian of Cebu Founder Emmanuele Jones Mante.

SENTRO NG WIKA_2

Sumama sa lagdaan ang mga kinatawan mula sa mga karatig-paaralan kagaya nina University of San Carlos Cebuano Studies Center Director Dr. Hope Yu, USC CSC Deputy Director Dr. Bea Yap Martinez, SWK Cebu Normal University Director Dr. Geraldine Rebamonte, Lahug Night High School Filipino District Coordinator Crecencia Arellano, University of the Philippines Cebu Ugnayan ng Pahinungod and Continuing Education Director Dr. Aurelio Vilbar, Colegio de la Immaculada Concepcion Tipolo Filipino Coordinator Velina Tugonon, at CNU American Studies Association President and Retired Full Professor Dr. Angel Pesirla.

Tiniyak ng itinalagang direktor ng SWT CTU na si Dr. Christian Ray Licen na magiging aktibo sila sa pakikibahagi sa mga gawain at programa ng KWF sa pagtataguyod ng pamunuan ng CTU.