MODULE DISINFECTION MACHINE NAIMBENTO NG GURO SA CAMSUR
/ 6 August 2021
ISANG guro mula sa Camarines Sur ang nakaimbento ng isang improvised module disinfection machine.
Kinilala ang imbentor na si Jomar Jaravata, 34, OIC Assistant Principal sa Senior High School ng Bula National High School.
Aabot sa 20,000 modules ang kayang ma-disinfect ng nasabing makina sa loob ng walong oras.
Hindi na rin kailangang ibilad pa sa araw ang mga module dahil gumagamit ito ng disinfecting chemicals at UV lights na kaya ring ma-monitor ang disinfecting process gamit naman ang cellphone.
Nainspeksiyon na rin ito ng Department of Science and Technology.