Region

MODULAR LEARNING SA IRIGA CITY DAHIL SA SOBRANG INIT

/ 5 March 2024

KINOKONSIDERA ng School Division Office ng Iriga City sa Camarines Sur ang pagsasagawa ng modular learning upang maiwasan ang panganib na dulot ng labis na init bunga ng El Nino phenomenon sa kanilang lugar.

Sinabi ni SDO Iriga City, Division Information Officer Noel Panga na pinag-aaralan ng kanilang tanggapan na gamitin ang nasabing approach ngayong taon kung kinakailangan.

Aniya, dedepende pa rin ang kanilang desisyon sa deklarasyon ng Philippine Atmospheric Gephysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung gaano kainit ang panahon sa kanilang lugar.

Gagamitin lamang ang modular learning kung sobra ang init ng panahon at kung normal naman ay babalik din ang mga estudyante sa klasrum.

Paliwanag ng opisyal, bukod sa pagbibigay ng quality education ay iniingatan din ng Department of Education ang kalusugan ng mga mag-aaral.