MINDANAO STATE U BINOMBA, 4 PATAY, 40 SUGATAN
HINDI bababa sa apat katao ang nasawi habang 40 iba pa ang sugatan sa pagsabog ng hindi pa matukoy na bomba sa gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City, Lanao del Sur kahapon ng umaga.
HINDI bababa sa apat katao ang nasawi habang 40 iba pa ang sugatan sa pagsabog ng hindi pa matukoy na bomba sa gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City, Lanao del Sur kahapon ng umaga.
Sa sketchy report ng Police Region Office -Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, may mga Christian student na nagsasagawa ng Sunday prayer kahapon ng alas-7 ng umaga, nang maganap ang pagsabog.
Una nang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo na tatlo ang dead on the spot habang siyam ang sugatan.
Sa ulat naman ng Marawi City Police Station at Lanao del Sur Provincial Police Office, apat ang nasawi, habang 40 ang sugatan at lima ang kritikal.
Ipinag-utos naman ni Police Region Office – Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindabao Regional Director, PBGen. Allan Nobleza na ilagay sa full alert ang kanilang puwersa.
Kinondena ng MSU, gayundin ang Ministry of Basic, Higher amd Technical Education ang nasabing karahasan.