MGA PULIS TUTOR NA RIN SA NEGROS OCCIDENTAL
ANG PROYEKTONG tinawag na Talakayan at Ugnayan Tungo sa Edukasyon sa bagong nor-mal o TUTOR ang pinagkakaabalahan ng mga kapulisan ng Second Negros Occidental Provin-cial Mobile Force Company upang makapaghatid hindi lamang ng kapayapaan, kundi pati deka-lidad na edukasyon sa mga mag-aaral ng lalawigan ngayong panahon ng distance learning.
Ayon kay NOCPMFC Acting Commander Lt. Col. Ryan Manongdo, nagkaisa ang mga miyem-bro ng hukbo upang matulungan ang mga bata’t magulang na makaalpas sa hirap ng sitwasyon ng modular learning ngayong walang face-to-face classes sa alinmang paaralan sa Negros Oc-cidental dahil sa malalang kaso ng Covid19.
Sa pamamagitan ng TUTOR ay tututukan ang mga batang hirap sa mga aralin na hindi rin gaanong magabayan ng mga magulang na walang pormal na edukasyon.
Sa unang bugso ng proyekto ay pumili muna ng limang mag-aaral sa elementarya na naninira-han sa Barangay ng Dulao sa Bago at Barangay Gargato sa Hinigaran para tumungo sa NOCPMFC headquarters at doon mag-aral sa loob ng higit dalawang oras.
One-on-one silang itatalaga sa mga teacher-police tungo sa tiyak na pagkatuto gamit ang mga module na pumasa sa quality assurance committee ng Department of Education.
Ikinatuwa ito ng mga magulang sapagkat naipagpapatuloy ang pagkatuto ng mga bata kahit na may kinahaharap na krisis pangkalusugan.
Inaasahan naman ni Manongdo na madaragdagan pa ang bilang ng mga batang papasok sa TUTOR sa mga susunod na linggo. Diin niya, palagiang katuwang ng DepEd at ng lokal na pa-mahalaan ang mga kapulisan at handa silang magbigay ng maraming serbisyo hanggang maka-kaya.
Binigyang-diin ni Manongdo na ang edukasyon ay kayamanan at ito ang ipinangangaral nila sa mga bata.