MGA PAGSASANAY NG DAR, TESDA TULOY KAHIT MAY PANDEMYA
TULOY-TULOY ang serye ng mga pagsasanay ng Department of Agrarian Reform at Technical Education and Skills Development Authority sa iba’t ibang panig ng Filipinas, partikular sa mga pamilyang benepisyaryo ng kanilang scholarship program,
Nitong Setyembre 30 hanggang Oktubre 2 ay matagumpay na napasinayaan sa ilalim ng DAR- TESDA Scholarship Program for Agrarian Reform Beneficiaries/Households ang Free Training on Veggie Noodle Making sa Lulluno Lubra, Abra.
Dalawampung pamilya ang sama-samang nagsanay sa paggawa ng maming organiko at gawa sa gulay na maaaring ibenta at pagkakitaan ngayong panahon ng pandemya.
Tinampukan ito ng oryentasyon sa Community Training on Driving Skills, NC2 Certification para sa mga may masidhing interes sa programa.
Sinundan ng Noodle Making sa Abra ang Basic Agriculture Farming Production sa La Suerte Pilar, Bohol, na aktibo namang dinaluhan ng 25 indibidwal.
Ilan pa sa mga pagsasanay na kina-caravan ay ang Free Range Chicken Care and Management cum Business Planning, Natural-Urban Fruits and Vegetables Gardening, Horticulture, at iba pa.
Inaasahan ng DAR at TESDA na magtutuloy-tuloy ang kanilang pagsasanay sa kanayunan upang magabayan ang mga Filipino na nagnanais magpalago ng lupain at negosyo kahit na may krisis, partikular sa mga nakatamo na ng kanilang mga lupang agraryo.