Region

MGA MAGULANG NG BULACAN STATE U LEARNERS ISINALANG SA WEBINAR

/ 23 September 2020

NASA third phase na ang paghahanda ng Bulacan State University para sa blended learning at ito ay ang pagsalang sa webinar sa mga magulang o guardian ng learners.

Sa opening message ni BulSU President Dr. Cecilia S. Navasero-Gascon, sinabi niyang naniniwala siyang eksperto ang mga magulang sa pag-aaruga sa kanilang mga anak at alam niyang todo-suporta ang mga ito para sa pag-unlad ng kaalaman ng mga bata.

Aminado si Dr. Navasero-Gascon na ang suporta ng  mga guardian at magulang ay kritikal para magtagumpay ang pagtuturo sa mga learner ngayong new normal.

Sinabi niya na nasa mga magulang na ang bola para magabayan nang tama ang mga learner kaya naman ikinasa ang webinar  na may titulong ‘Navigating the New Normal Setup: Parents Edition’ para maging maalam din ang mga guardian sa aspetong teknikal dahil gagamit na ng computer at iba pang gadget depende sa mode of learning na pipiliin ng mga estudyante.

Isa sa resource speakers si Dr. Joseline Santos, Assistant Director for Stundent Policy Development ng BulSU, kung saan kanyang ipinaliwanag ang iba’t ibang modes ng Flexible Learning habang nagsalita rin si Dr. Ruben Borja III, Director of Educational Development ng BulSU, hinggil sa  gagampanan ng mga magulang o guardian upang matulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral habang nasa bahay.

Sa nasabing webinar sa mga parent/guardian, ipinaalam na ang mga learner ang pipili ng learning modes kung synchronous, asynchronous o remote printed.

Dapat naman ay may alam ang parents/guardians sa mode of learning na pinili ng anak at suportahan ang learner sa nais nito at gabayan na lamang.

Ipinaalala rin ng unibersidad na dapat lumagda ang parents/guardians sa Mode of Learning Agreement upang maging malinaw sa bawat panig.