Region

MGA GURO SA TANAUAN CITY NAKIISA SA VACC2SCHOOL CAMPAIGN

/ 11 July 2021

HALOS isang libong guro at kawani sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Tanauan City, Batangas ang nakiisa sa Vacc2School campaign ng Kagawaran ng Edukasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra Covid19 at bilang  paghahanda sa papalapit na School Year 2021-2022.

Naging matagumpay ang nasabing programa dahil na rin sa isinagawang information campaign ng Schools Division Office sa pamamagitan ng OK Ka sa DepEd: Online Consultation and Health Education (Covid9 and Covid19 Vaccination) upang mas maintindihan ng mga kawani ang kahalagahan ng pagbabakuna.

“We need to be protected. Teachers are considered frontliners — as they continue to thrive throughout any trying times, be it traditional classroom threats, pandemics, or crises. We teachers still make sure that Education is happening even at this time,” sabi ni Education Program Supervisor and Division Information Officer Ronald Ramilo.

Mula noong Hunyo 24, 2021, sinimulan ng SDO ang pagbabakuna sa kanilang mga teaching and non-teaching personnel. Sa patnubay at pakikipagtulungan nila sa kanilang local government unit, nasiguro ng SDO na sapat ang kanilang mga kagamitan sa pagbabakuna.

Naging gabay ng SDO ang inilunsad na programang Vacc2School ng DepEd Central Office upang palaganapin ang tamang impormasyon at kahalagahan ng pagpapabakuna lalo na sa mga kawani ng Kagawaran.

“As more teachers in our school get vaccinated, fewer teachers and school personnel remain vulnerable, and there is less possibility for transmission – this may be of great help in reaching our learners during this time of remote learning,” dagdag ni Ramilo.