Region

MGA GURO SA CALABARZON NANGUNA SA 2ND VIRTUAL IN-SERVICE TRAINING

/ 7 September 2021

MULA sa Region 4A o Calabarzon ang  pinakamaraming kalahok sa isinagawang Second Virtual In-Service Training.

Layon ng VINSET 2.0 na itinaguyod  ng Department of Education na mapalahok ang nasa 500,000 guro sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Del B. Pascua, naging maganda ang resulta ng pamamahagi nila ng SIM card dahil sa rami ng nakibahagi.

Sa kabuuan ay nahigitan ang target na 500,000 teacher participant dahil naitala ang 606,673 na lumahok sa VINSET simula Agosto  30 hanggang Setyembre 3, 2021.

“This is a new record of the most number of participants attending a webinar simultaneously throughout the country,” ayon kay Pascua.

Pinuri ng DepEd ang mga guro sa Region 4A na may pinakamaraming lumahok na umabot sa  82,631 o 94% ng kanilang teaching force.

Sumunod sa Region 4A ang Region 7 na may 61,149 o 92%; Region 5 na may 51,432 o 82%;  Region 1,  36,464 o 81%; at  Region 2 na may 25,320 o 79%.

Ang VINSET 2.0 ay joint project ng mga tanggapan ng DepEd Undersecretaries for Administration, Curriculum and Instruction, at Field Operations na naglalayong ihanda ang mga guro sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022 sa Setyembre 13.