MGA GRUPO NG KATUTUBO NAGPASALAMAT SA PAG-RESCUE NG PNP SA 19 ‘CHILD WARRIORS’ SA CEBU
NAGPASALAMAT ang Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders at ang Mindanao Indigenous Peoples Youth Organization sa pagkakaligtas ng mga tauhan ng Philippine National Police sa 19 na batang katutubo mula sa Talaingod, Davao del Norte na dinala sa Cebu para sanayin bilang child warriors ng Communist Party of the Philippines -New Peole's Army.
NAGPASALAMAT ang Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders at ang Mindanao Indigenous Peoples Youth Organization sa pagkakaligtas ng mga tauhan ng Philippine National Police sa 19 na batang katutubo mula sa Talaingod, Davao del Norte na dinala sa Cebu para sanayin bilang child warriors ng Communist Party of the Philippines -New Peole’s Army.
Kasabay nito, kinondena ng dalawang naturang grupo ang CPP-NPA at ang kanilang mga front organization sa kanilang ginagawang paglabag sa karapatan ng mga katutubo at sa International Human Rights Law sa paggamit ng mga katutubong kabataan bilang instrumento ng karahasan.
Sa isang open letter sa PNP, tinukoy ng mga grupo ang Rural Missionaries of the Philippines, na nagtayo ng mga “salugpungan schools” sa iba’t ibang katutubong komunidad sa Mindanao sa ilalim ng “Save Our School Network“ kung saan sinasanay ang mga child warrior.
Katulong umano nila dito ng mga grupong kaanib ng KATRIBU at ng Bagong Alyansang Makabayan.
Ibinunyag nila kung paano nagsisilbi bilang “boarding school” ang mga salugpungan schools kung saan hinihiwalay ang mga bata mula sa kanilang mga magulang para ikondisyon na lumaban sa pamahalaan.
Nitong Lunes ay matagumpay na nabawi ng PNP, AFP at DSWD ang 19 na kabataang Lumad at naaresto ang pitong suspek na nagdala sa mga ito sa Cebu nang walang paalam sa kanilang mga magulang.
Nahaharap ang mga ito sa kasong illegal detention, human trafficking, at paglabag sa RA 9851 (IHL Act) at RA 11188 (Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict).