Region

MGA ESTUDYANTE SA LA CARLOTA, NEGROS OCCIDENTAL BALIK-KLASE NA

/ 10 April 2025

PINABALIK na sa klase ngayong araw, Abril 10,  ang mga estudyante sa La Carlota, Negros Occidental makaraang humupa na ang pagsabog ng bulkang Kanlaon.

Ito ang inanunsiyo ni Mayor Rex Jalando-on kasunod ng tatlong araw na suspensiyon makaraang magbuga ng 5,000 tonelada ng asupre ang bulkan.

Gayunman, nananatiling walang klase sa mga paaralan sa anim na barangay na matinding naapektuhan ng ash fall.

Ang mga barangay na wala pang face-to-face classes ay ang Ara-Al, San Miguel, La Granja, Yubo, Haguimit at Nagasi.

Gayunman, batay sa kautusan ng alkalde, ang mga paaralang hindi pa handa sa face-to-face classes ay maaaring ipagpatuloy ang suspensiyon at sila ang mag-a-assess ng sitwasyon.