MGA ESTUDYANTE SA ISANG ISKUL SA DAVAO NAG-MASS HYSTERIA
ILANG estudyante sa Digos City National High School ang isinugod sa ospital matapos na tamaan ng mass hysteria kahapon ng umaga.
Batay sa ulat ng Digos City Disaster Risk Reductiong and Management Council, ang mga estudiyante ay nahirapang huminga, nawalan ng malay at nag-hyperventilate.
Ang mga biktima ay dinala sa Davao Del Sur Provincial Hospital upang mabigyan ng paunang lunas.
Samantala, kumalat sa social media ang post ng SSLG-Digos National High School
na nananawagan na umiwas sa pagpapalaganap ng maling impormasyon para sa kapakanan ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Umapela rin sila ng panalangin para sa kaligtasan ng mga estudyante, gayundin ng naturang paaralan.