MGA BATA HUWAG IDAMAY SA TENSIYON SA WEST PH SEA – GURO
PAG-ASA ISLAND, PALAWAN — Umaasa ang mga guro sa Pagasa Integrated School dito sa Kalayaan Group of Islands na huwag nang madamay sa tensiyon sa West Philippine Sea ang mga estudyante.
Ayon kay Aien Grace Prudenciado, Grade 3 teacher, maging sila ay hindi aware sa tensiyon sa pinag-aagawang isla.
Sinabi ni Prudenciado na para sa kanya ay mas makabubuting huwag na munang idamay ang mga inosenteng bata sa tensiyon upang makapokus sila sa kanilang pag-aaral.
“Wag na sana muna natin silang idamay. At least stick muna sila sa pag-aaral, para hindi na rin magdulot ng trauma sa kanila,” pahayag ni Prudenciado sa panayam ng The POST.
Subalit pabor ang guro na maimulat din ang mga bata sa mga isyu kapag sila ay nasa tamang edad na.
Umaapela rin ang mga guro na aprubahan na ng Department of Education ang pagkakaroon nila ng senior high school upang hindina kinakailangang magtungo sa mainland Palawan ang mganagnanais magpatuloy ng pag-aaral.
Sa ngayon, nasa 58 ang elementary students ng Pagasa Integrated School habang 23 ang junior high school na magkakasamang nag-aaral sa iisang silid-aralan dahil patuloy pa ang konstruksiyon ng nasira nilang paaralan.