Region

MARINE TRAINEE PATAY SA SWIM TRAINING

/ 2 July 2024

ISANG trainee ng Philippine Marine Corps ang nasawi habang sumasailalim sa swim training sa Ternate, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng Ternate Police, nawalan ng malay si candidate soldier Joel V. Jimena Jr. habang nasa gitna ng swim training.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima subalit nasawi rin.

Nilinaw naman ng batchmate ng biktima na walang hazing o pang-aabuso na naganap dahil ang training ay naka-focus lamang sa physical conditioning.

Sa pamamagitan ng ocular inspection, nakumpirma ng pulisya na ang mga pasilidad sa loob ng marine base ay ligtas at maayos.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Marine Corps sa pamilya ng trainee.