MALOLOS CITY GOV’T MAY LIBRENG LAPTOP PARA SA MGA GURO
BILANG suporta ng lokal na pamahaalan ng Malolos City sa Basic Education Learning Continuity Plan ay namahagi ito ng libreng laptop sa mga guro.
Kasama ng laptop ang flash drive, modem at headset upang makatulong sa mga guro sa distance learning.
Kabilang sa mga nakatanggap ang mga guro ng Longos Elementary School sa Malolos, Bulacan.
Ayon kay LES Principal Mary Ann Andes, malaking tulong ito sa kanilang paaralan upang mas maging produktibo ang mga guro sa paghahanda ng mga aralin.
“Sobrang excited kami. It is only in Malolos that these technology packages were given. Teaching and learning in the new normal will be more productive because of these teaching materials,” sabi niya.
Ayon pa sa kanya, may pandemya man o wala, tunay na susi ang pagbabayanihan upang makamit ang mithiin para sa edukasyon at matupad ng mga mag-aaral ang kanilang mga pangarap.