Region

MAKINANG GUMAGAWA NG SABON MULA SA LOKAL NA MATERYALES IMBENSYON NG CEBU TECHNOLOGICAL U

/ 28 January 2021

MAS MABILIS at mas dekalibre na ang paggawa ng sabon sa Cebu sa tulong ng pinakabagong makinang imbensyon ng Cebu Technological University Mechatronics Department.

Isinapubliko ng CTU ang kanilang bagong makina noong Martes, Enero 26, kasama si Lapu- Lapu City Mayor Junard Chan para ipagmalaking ang industriya ng pagsasabon sa lungsod ay unti-unti nang lumalago.

Bukod sa magandang makina ay lokal na mga materyales ang ginagamit sa paggawa ng mga sabong maaaring gamitin sa bahay at sa negosyo.

“As a university known for mechatronics and robotics, they aim that their innovation will be used by the people for fast-track production,” sabi ni Chan.

Samantala, napagkasunduan ng LGU at ng unibersidad na ang mga nalilikha nitong produkto’y ipinadadala sa Lapu-Lapu City Cooperative and Livelihood Resource Center para pagkakitaan ng mga kababaihan at kananayan.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Chan ang mga Cebuano na tangkilikin ang sabong tinda ng LCLRC.

“I urge local hotels and resorts to buy their soap supply from LCLRC.”

Nagpapasalamat si Chan sa husay ng mga mag-aaral ng CTU dahil bukod sa malaking ambag ito sa industriya ay natutulungan pa ang mga kababaihan ng lungsod na magkaroon ng sustenableng mapagkakakitaan.