Region

LITERACY PANTRY ITINAYO SA PAOAY, ILOCOS NORTE

/ 13 May 2021

lSANG literacy pantry ang itinayo sa Barangay Pasil, Paoay, Ilocos Norte upang maghandog ng mga libro at school supplies sa mga residente sa lugar.

Ito ay inisyatibo at binuo ng English Language Society at ng mga estudyante ng Master of Arts in English Language and Literature ng Mariano Marcos State University sa nabanggit na lalawigan.

Ang pantry ay may iba’t ibang klase ng libro para sa mga asignatura tulad ng Science, Math, English, Reading, at Social Sciences.

Bukod dito, namimigay rin ang grupo ng novels, pocketbooks, spiritual books, dictionary, workbooks, at flashcards.

Mayroon din silang school supplies gaya ng notebook, lapis, papel, ballpen, at marami pang iba.

Layon ng literacy pantry na matugunan ang mga pangangailangan ng mga batang estudyante at lumawak pa ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro.