LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES IBINASURA NG ZAMBOANGA GOV’T
TINUTULAN ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang panukala ng Department of Education Region 9 na magkaroon na ng face-to-face classes sa mga bahagi ng lungsod na wala nang positibong kaso ng Covid19.
TINUTULAN ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang panukala ng Department of Education Region 9 na magkaroon na ng face-to-face classes sa mga bahagi ng lungsod na wala nang positibong kaso ng Covid19.
“It is still not safe for children to go out, except for medical reasons of emergency cases,” giit ni Climaco.
Sinusugan siya ni Zamboanga City Health Officer Dr. Dulce Miravite sa pagsasabing kahit na lumuluwag na ang quarantine protocols ay hindi pa rin ito ang tamang oras para bumalik sa tradisyonal na face-to-face classes ang DepEd.
Sa ngayon ay dapat umanong magpokus ang kagawaran sa pag-utilisa ng blended learning modality para makapaghatid ng dekalibreng edukasyon.
Idiniin pa ni Miravite na sa panahon ng pandemya, ang mga bata’y dapat na manatili sa loob ng bahay. Gayundin, sila’y hindi rin dapat payagang pumunta sa mga shopping mall para masigurong hindi mahahawa ng nakamamatay na Covid19.
Samantala, sinabi ni Department of Health Region 9 Medical Officer Dr. Dennis Dacayanan na kailangan pang aralin ng DoH at ng DepEd ang panukalang face-to-face classes, lalo sa mga datos na kanilang inilahad tungkol sa kawalan ng positibong kaso ng Covid19 sa ilang bahagi ng lalawigan.
Sakaling mapatunayang tama at na nag-plateau na ang datos, posibleng magsumite ulit ng mungkahi ang DepEd na susuportahan ng DoH.
Nauna nang iniulat ng The POST ang pagsusumite ng proposal ng DepEd Region 9, sa pangunguna ni Regional Director Isabelita Borres, hinggil sa pagdaraos ng face-to-facr classes sa mga piling lugar.
Mas tumaas umano ang lebel ng stress at anxiety ng mga mag-aaral simula nang sila’y sa loob lamang ng bahay nag-aaral at hindi ito mabuting indikasyon sa larang ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya.