Region

LIMITED F2F CLASSES PUWEDE NA SA TAGAYTAY

/ 5 February 2022

PINAYAGAN na ng Tagaytay City government ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes para sa mga mag-aaral sa kolehiyo at technical-vocational courses.

Sa Executive Order No. 405, sinabi ni Mayor Agnes Tolentino na kinakailangang fully vaccinated ang mga empleyado at teaching staff ng paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

Papayagan din ang film, music, at television production sa lungsod alinsunod sa mga alituntunin ng Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment at Department of Health.

Naunang sinabi ng Department of Education na maaari nang magkaroon ng expansion phase ang in-person classes sa mga eskuwelahan sa mga rehiyon.

“The rest of the regions, as well as divisions in the above regions outside of those already under Alert Level 2, are continuing their preparations for the expanded phase of face-to-face classes in anticipation of improvement in the Covid19 Alert Level in their respective areas,” ayon sa DepEd.