LIBRENG TABLET, PREPAID WI-FI SA MGA ESTUDYANTE SA GENSAN
NAGPAABOT ng tulong ang Ayala Foundation Inc. at Aklat Foundation ng gadgets sa ilang estudyante sa General Santos City upang magamit sa blended learning.
Nasa 25 Cherry Mobile Tablets at 175 Globe Home Prepaid Wi-Fi ang inilaan para sa mga piling estudyante sa iba’t ibang eskuwelahan sa lungsod.
Pitong eskuwelahan ang naging benepisyaryo ng mga gadget na kinabibilangan ng Fatima NHS, Banisil NHS, Lanton HS, Bula National School of Fisheries, Johnny Ang NHS, New Society NHS at General Santos City National Secondary School of Arts and Trade.
Ang pamamahagi ng gadgets ay dinaluhan ng mga mag-aaral, mga magulang, mga punong-guro at nina Public Schools District Supervisor Dr. Cornelio Rollo, Assistant Schools Division Superintendent Carlos Susarno, City Councilor Jonathan Blando at City Mayor Ronnel Rivera.
Ayon kay Garett Paolo Nolasco, Senior Manager ng Ayala Foundation Inc., upang makatulong sa malawakang digital divide ng mga mag-aaral sa blended learning ay naisipan nilang maghandog ng gadgets.