Region

LIBRENG LAPTOP SA ‘SIKAT’ SCHOLARS NG NEGROS ISLAND

/ 13 November 2020

DALAWAMPU’T anim na ‘Sikat’ scholars na naninirahan sa Isla ng Negros ang nakatanggap ng libreng laptop mula sa Energy Development Corporation bilang tulong sa pagdalo nila sa kani-kanilang online classes ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay EDC Corporate Social Reponsibility Head Norreen Bautista, nais ng korporasyon na paunti-unting maagapayan ang kanilang ‘Sikat‘ scholars sa pag-aaral kahit na nahaharap ang bansa sa krisis pangkalusugan na walang katiyakan kung kailan magwawakas.

“The Covid19 pandemic has already changed a lot, if not everything, how people live nowadays. Students, including our scholars from our SIKAT program, have to adjust and live with the current challenges of distance learning. The laptops will be their key tool in adapting to and surviving this change,” sabi ni Bautista.

Para naman masigurong dekalidad ang naturang gadget ay minabuti ng EDC na makipagpartner sa ASUS Philippines, na tulad nila’y may marubdob ding pagpapahalaga sa edukasyon.

Mensahe ni ASUS Philippines Country Head George Su, “In today’s new normal set-up for education, learning and sharing of knowledge can be accomplished anytime, anywhere. We, at ASUS Philippines, with the help of the EDC team, are here to provide the students and even our hardworking teachers with total education solutions through our innovative, very efficient, and 100 percent education-ready products, particularly our laptops, both for learning and teaching.”

Bukod sa laptop ay nakatanggap din ang 26 na iskolar ng tig-isang pocket WiFi.

Ang EDC ang isa sa nangungunang tagapagsuplay ng koryente sa Filipinas. Sila ang nagbibigay-serbisyo sa higit 10 porsiyento ng kabahayan sa iba’t ibang panig ng Visayas.