LEPANTO NATIONAL HS SA BENGUET MAY MGA BAGONG CLASSROOM
PINASINAYAAN na ang mga bagong klasrum sa Lepanto National High School sa Manyakan, Benguet noong Oktubre 24.
Ito ay pinangunahan nina Mankayan Mayor Frenzel Ayong, Lepanto Consolidated Mining Company Communications Head Butch Mendizabal, at Lepanto NHS Principal Sharon Angupa.
Ayon kay Ayong, ang pagtatayo ng bagong mga klasrum ay bahagi ng kanilang paghahanda sa pagdagsa ng mga mag-aaral sa susunod na taon.
Ngayong walang face-to-face classes ay mas kukumpletuhin pa nila ang gusali para ang pag-aaral ng mga bata ay maging maalwa’t matiwasay.
Binigyang-halaga niya rin ang public-private partnership sapagkat ang tulong ng LCMC ay malaking salik sa naturang katagumpayan.
“From day one, we saw the small-scale miners entering a large-scale mining company to join our Mankayan BFP and PNP and other community members in the clearing operation. You can see here the collective efforts that have continued throughout the entire duration of our restoration project, and we are truly grateful to all our stakeholders,” ayon sa kanya.
Nagpasalamat naman si Mendizabal at sinabing prayoridad ng kanilang kompanya na matulungan ang bawat batang Filipino na magkaroon ng dekalidad na edukasyon.
“Part of the company’s social development management program and corporate social responsibility initiatives is upholding quality education. The pandemic may have affected our operations, but we continue to find ways to deliver on our commitment in helping our community, particularly in terms of providing quality education to our community children,” sabi ni Mendizabal
Ang mga bagong klasrum ang pumalit sa gusaling nasunog noong Agosto 2019. Bilang alumnus, agad itong inaksiyunan ni Ayong kaya wala pang dalawang taon ay naitayo na agad ang proyekto.