Region

LAPTOPS, LEARNING MODULES NG MGA MAG-AARAL SAGOT NG ANTIPOLO GOV’T

/ 31 October 2020

SINAGOT ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang mga laptop at learning module  ng mga public school student ng lungsod.

Tinanggap ni DepEd-Antipolo Division Superintendent Dr. Cris Diaz mula kay Antipolo City Mayor Andrea Ynares ang daang-daang laptops sa ginanap na turnover ceremony noong Oktubre 26, 2020 sa San Jose National High School.

Kasunod ng pagbibigay ng laptops ay ang pag-iimprenta ng mga learning module na nagkakahalaga ng P133 milyon  na gagamitin para sa second quarter ng school year 2020-2021.

Tumanggap din ang DepEd ng office supplies at hygiene kits. Bahagi ito ng programa ng pamahalaang lokal na palakasin ang edukasyon sa gitna ng mga hamon ng ‘new normal’.

“Na-turn over ang mga laptop ngayong umaga kay Division Superintendent Dr. Cris Diaz ng DepEd. Kasunod nito ang pagpapaimprenta naman ng modules para sa second quarter o grading period ng school year 2020-2021 matapos mapondohan ng ating siyudad ang nasabing modules na nagkakahalaga ng 133 milyong piso,” sabi ni Ynares.

“Ang mga isusulat sa o lalamanin ng modules po ay magmumula sa DepEd,” dagdag pa ng alkalde.