Region

LAOAG CITY KULANG NG TEACHERS

/ 30 December 2022

INANUNSIYO ng Schools Division Office ng Laoag City na plano nilang kumuha ng mga karagdagang guro at non-teaching personnel para sa School Year 2023-2024.

Ayon kay Schools Division Superintendent Vilma Eda, mas malaki ang tsansa na matanggap ang mga ito dahil sa panibagong guidelines na inilabas ng SDS.

“This is to level up the playing field of applicants for vacant positions,” ani Eda.

Tulad ng ibang paaralan, kulang din ang DepEd Laoag ng mga guro, bukod pa sa imprastraktura.

“As of the moment, we are lacking teachers who specialize in agri-fisheries, ceramics, social studies, Filipino as well as MAPEH (Music, Arts, Physical Education and Health),” ayon kay Eda.

Sa kasalukuyan, ang DepEd Laoag ay may kabuuang 1,202 tauhan na binubuo ng 944 teaching at 171 non-teaching staff, kabilang ang 87 teaching related positions tulad ng schools division superintendents, assistant schools division superintendents, school principals, head teachers, librarians at guidance counselors.