Region

KLASE SA ILANG LUGAR SUSPENDIDO DAHIL SA BAGYONG MARING

/ 12 October 2021

SUSPENDIDO ang klase sa ilang lugar dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Maring ngayong araw, Oktubre 12.

Walang pasok sa lahat ng antas sa bayan ng Tuba sa Benguet.

Suspendido rin ang klase sa bayan ng Brooke’s Point sa Palawan dahil sa malakas na pag-ulan at posibleng pagbaha.

Nagsuspinde rin ng klase sa lahat ng antas ang Northwestern University sa Laoag City.

Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • hilagang bahagi ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon)
  • Apayao
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • natitirang bahagi ng Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Ifugao
  • Benguet
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Zambales
  • Pampanga
  • Bulacan
  • hilagang bahagi ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)
  • hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Polillo Islands