Region

KLASE SA ILANG LUGAR SUSPENDIDO DAHIL KAY ‘AMANG’

/ 12 April 2023

DAHIL nakataas na ang Signal Number 1 dulot ng Bagyong Amang, ilang lalawigan sa Region 3 at Region 4A ang nagsuspinde ng klase ngayong araw, Abril 12.

Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Grade 12 at sa Alternative Learning System sa Norzagaray at San Ildefonso sa Bulacan, gayundin sa 25 bayan sa Laguna.

Wala namang klase sa lahat ng antas sa Camarines Sur at Camarines Norte, gayundin sa Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya

Day care hanggang Grade 12 ang walang pasok sa Talavera, Nueva Ecija.

Suspendido rin ang klase mula pre-elementary hanggang senior high school sa Lucena City sa Quezon.

Sa lalawigan ng Rizal, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Binangonan; sa Montalban at San Mateo ay Kinder hanggang Grade 12 at Alternative Learning System; at sa Tanay at Taytay ay pre-school hanggang Grade 12.