Region

KLASE SA ILANG LUGAR SA PANAY ISLAND SUSPENDIDO

/ 4 January 2024

SINUSPINDE ng ilang local government units sa Panay Island na sakop ng Western Visayas ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan makaraan ang total blackout sa rehiyon.

Una nang nagpatupad ng class suspension si Iloilo City Mayor Jerry Trenas dahil sa nararanasang malawakang blackout o kawalan ng supply ng koryente.

“In view of the now 7-hour blackout/ brownout, I am calling off classes tomorrow on all levels,” ayon sa alkalde.

Bukod sa Iloilo City, kanselado rin ang klase sa Kalibo, Aklan at sa iba pang bahagi ng Panay Island.

Sakop nito ang mga probinsya ng Iloilo, Antique, Capiz, Aklan at maging ang Guimaras.

Ang total blackout ay sanhi ng pagpalya ng apat na planta na nagsu-supply ng koryente sa buong rehiyon.