Region

KLASE SA DAVAO OCCIDENTAL SUSPENDIDO DAHIL SA 6.4 MAGNITUDE QUAKE

/ 5 October 2023

SINUSPINDE ng lokal na pamahalaan ng Davao Occidental ang klase sa lahat ng paaralan sa buong lalawigan makaraan ang 6.4 magnitude earthquake na tumama sa Sarangani Island.

Naganap ang pagyanig alas- 7:21 ng gabi, October 4, 2023.

Inatasan na ni Governor Atty. Franklin Bautista ang lahat ng local government units na magsagawa ng inspeksiyon sa mga school building upang matiyak na walang madidisgrasya sakaling may pagguho.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang malakas na pagyanig na Intensity 5 sa Sarangani at Don Marcelino sa Davao Occidental; Kiamba at Malungon sa Sarangani, at sa City of Digos sa Davao del Sur.

Kapag Intensity 5, mararamdaman ang malakas na pag-uga sa mga gusali at matinding paggalaw ng mga gamit na nakasabit.

Intensity 4 naman kapag ramdam ng mga umaandar na heavy truck ang pagyanig, at ito ay naramdaman sa General Santos, Koronadal, Tupi, T’Boli, at Polomolok sa South Cotabato; Jose Abad Santos sa Davao Occidental; Palimbang at Esperanza sa Sultan Kudarat.

Samantala, naitala ang intensity 3 sa Davao City, Alamada, Banisilan, Kidapawan, Magpet, Makilala, M’lang, Matalam, Pigcawayan, at Tulunan, Cotabato; Calamansig, Lambayong, President Quirino, Senator Ninoy Aquino, at Tacurong, Sultan Kudarat; Lake Sebu, Tampakan, Santo Niño, at Surallah, South Cotabato.

Intensity 2 naman sa Zamboanga City, Antipas, Arakan, Libungan, at President Roxas, Cotabato; Bagumbayan, Sultan Kudarat, San Fernando, at Kalilangan; Bukidnon, City of Gingoog, Misamis Oriental, Tantangan, South Cotabato, Cotabato City, Datu Odin Sinsuat, at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Habang intensity 1 sa Cagayan de Oro City, Pangantucan at Cabanglasan, Bukidnon; at Aleosan, Cotabato.