Region

KLASE SA DAVAO OCCIDENTAL 2-ARAW NA SUSPENDIDO

/ 21 November 2023

UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at kawani ng mga paaralan kasunod ng malakas na lindol, ipinatupad ng Provincial Government ng Davao Occidental ang dalawang araw na suspensiyon sa klase at trabaho sa buong lalawigan.

Ang class at work suspension ay epektibo November 20 hanggang November 21.

Base sa Memorandum Order No. 137 na nilagdaan ni Governor Franklin Bautista, ang suspensiyon ay ipinatupad sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan.

Ikinasa na rin nito ang assessment sa mga istraktura sa posibleng epekto ng magnitude 6.8 na lindol na tumama noong Biyernes.

Magugunitang hanggang noong Linggo, November 19, ay pumalo na sa walo ang nasawi at 101 aftershocks ang naitala na inaasahang madaragdagan pa dahil patuloy amg pag-uga sa nasabing lalawigan at mga karatig- lugar.