Region

KLASE SA CAVITE SUSPENDIDO

/ 1 July 2021

Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa Cavite sa Hulyo 2 dahil sa posibilidad na mawalan ng internet connection sa probinsya dahil sa ashfall mula sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

“Sa mga may pasok sa paaralan kung elementary man o kolehiyo, classes suspended, submissions postponed, on-line classes are on hold. Wifi signals might be impaired and heavy ashfall is a possibility tomorrow,” wika ni Cavite Governor Jonvic Remulla.

Ang Bulkang Taal ay nagbabantang muling pumutok kaya itinaas na ng Phivolcs ang Alert Level 3.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng isang maigsing maitim na phreatomagmatic plume na may taas na isang kilometro alas-3:16 ngayong hapon bagaman hindi naman nagkaroon ng volcanic earthquake.

Pinaalalahanan din ni Remulla ang mga residente na manatili sa kani-kanilang tahanan at magsuot ng face mask.

“Stay indoors. Prepare your face masks and stay safe everyone.”