KLASE SA CAGAYAN SUSPENDIDO DAHIL SA BAGYONG MARING
SINUSPINDE ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba and klase sa lahat ng antas sa lalawigan dahil sa bagyong Maring.
Sakop ng suspensiyon ang mga klase mula elementarya hanggang graduate school.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, suspendido ang klase ngayong araw, Oktubre 11, dahil sa panganib ng pagkawala ng internet connection para sa online classes.
Inabisuhan din ng tanggapan ng gobernador ang publiko na mag-antabay sa kanilang updates kung sakaling bawiin ng tanggapan ang suspensiyon ng klase.
Isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa signal number 2 ang Cagayan at mga karatig probinsya.
Ibinaba rin sa probinsya ang Yellow Warning Level para sa posibilidad ng mga pagbaha at landslides.