KALABAW MOBILE GRADUATION SA ANTIQUE
NAGSAGAWA ng mobile graduation ang Lawigan Elementary School sa Antique upang bigyang pagkilala ang pagsisikap ng ilang estudyante sa distance learning.
Isang guro ang nakaisip na gawin ang mobile graduation para sa anim niyang estudyante na nag-move up sa Grade 7.
Isang kalabaw na may karosa ang dinisenyuhan ng tela at mga lobo upang gawing entablado para sa mga magtatapos sa elementarya.
Ayon kay Teacher Rosalina Serguino, hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang tagumpay.
“Poverty is not a hindrance to ones’ success. If you will work very hard, nothing is impossible,” aniya ng ginang.
“When you are poor, that does not mean that you will never succeed. When you are poor, and you don’t have anything to pay for your education, make an action,” dagdag pa niya.
Sinabi ni DepEd Antique superintendent Felisa Beriong na pinayagan ng Department of Education Region 6 ang mobile graduation para maipatupad ang health protocols.