Region

ISKUL SINUNOG NG SINIBAK NA JANITOR

/ 19 June 2024

ISANG paaralan ang sinunog ng isang sinibak na janitor sa San Carlos City, Negros Occidental.

Nadamay sa sunog ang ancestral house ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo sa Ylagan Street.

Ang paaralang sinunog ay ang ABC School na isang iconic structure na pinalakas ng Chinese-Filipino Chamber of Commerce and Industry.

Sa Facebook post ng San Carlos City Local Government Unit Information, paghihinganti ang motibo ng hindi pinangalanang janitor dahil sinibak ito sa nasabing pasilidad.

Kinumpirma naman ng alkalde na paghihiganti ang motibo ng janitor dahil sinabihan ito na masisibak sa trabaho.

Sumuko ang suspek dahil na-guilty ito nang maabo ang tahanan ng alkalde.