Region

ISA PANG E-LEARNING HUB BINUKSAN SA SAMAR

/ 25 July 2021

ISA pang E-Skwela hub ang binuksan ng Ang Probinsiyano Partylist sa lalawigan ng Eastern Samar.

Pinangunahan ni Rep. Ronnie Ong ang pagbubukas ng E-Skwela Hub sa Brgy. Maypangdan, sa munisipalidad ng Boronggan.

Sinabi ni Ong na layon ng kanilang mga binubuksang e-learning na matulungan ang mga estudyante, guro at mga magulang sa gitna ng ipinatutuapd na blended learning dahil sa Covid19 pandemic.

Ipinaliwanag ng kongresista na hindi lahat ng estudyante ay may kakayahang bumili ng sariling gadget o wifi at printer para sa modules kaya naisipan nila na isulong ang pagtatayo ng E-learning hubs sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Puwede silang pumunta sa ating mga E-Hub para gumamit ng computer at printer and internet ng libre para maka-adapt sila sa bagong sistema ng edukasyon ngayon,” pahayag ni Ong.

“Lahat libre, wala pong bayad. Libre internet basta ‘wag lang muna mag-games, gamitin natin ito para makatulong sa ating edukasyon,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi ni Ong na nagsimula silang magtayo ng E-Skwela noong Agosto ng nakaraang taon kasabay ng pagbubukas ng klase sa new normal.

Iginiit ni Ong na ang misyon nila ay magkaroon ng E-Skwela hub sa bawat barangay sa bansa.

Una na rin silang nagtayo ng E-learning hub sa mga lungsod ng Maynila, Baguio at Pasig at maging sa mga lalawigan ng Bohol, Cebu, Batangas, Cagayan.

Ang bawat E-Skwela Hub ay mayroong 3 sets ng computers, printers at internet connection.