IN-PERSON CLASSES SA MGA LUGAR NA HINAGUPIT NG BAGYO POSIBLENG ‘DI MATULOY
NANGANGANIB na maunsyami ang face-to-face classes sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette, sa Enero.
Ito ay dahil ilan sa mga paaralan ay ginagamit bilang evacuation centers ng mga nawalan ng tahanan dahil sa pananalasa ng bagyo.
Partikular na nagpahayag ng pangamba ang mga awtoridad sa Southern Leyte.
Ayon kay Southern Leyte Governor Damian Mercado, kailangan nilang maghanap ng bagong mga espasyo upang ma-organize ang in-person classes.
“Nandu’n ang mga tao lahat nag-evacuate. ‘Yan ng challenge sa amin ngayon, maghanap ng lupa,” pahayag ni Mercado.
Target ng Department of Education na dagdagan pa ang mga paaralang nagsasagawa ng face-to-face classes bilang paghahanda sa tuluyang pagbabalik-normal ng sistema sa edukasyon.