IMUS NAT’L HIGH SCHOOL NAKA-SOLAR PANEL NA
IBINIDA ng Department of Education ang Imus National High School sa Cavite sa paglulunsad nito ng 182 solar panels bilang pangunahing mapagkukunan ng mura at makakalikasang koryente ng paaralan.
“The Imus National High School formally launched its solar panels through the legacy projects of the City Government of Imus and the Green School Program,” ayon sa DepEd.
“INHS has switched to environmental-friendly alternatives to sustain its increasing energy demand due to the covid19 pandemic, which forced the citizens of Imus to use more electricity to cope with the new normal of education,” pahayag pa ng ahensiya.
Ipinagmamalaki ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio ang naturang proyekto sapagkat ito’y hindi lamang para sa kalikasan, kundi pagtuturo rin sa mga mag-aaral na ngayon ang panahong mas dapat alagaan ang inang bayan.
Sa naranasang sunod-sunod na unos at sakuna, ang ‘green schools’ ay tiyak umanong makatutulong sa lahat, kaya sa oras na maging matagumpay ito sa Imus ay gagawan ng paraan ng DepEd na mareplika ito sa mas marami pang paaralan.
“I promised that when the results are in and if we discover and we have the evidence that when we create green schools, learners will learn better, we will use resources more efficiently there is no reason not to announce this to other agencies and other units of DepEd,” sabi ni San Antonio.
Samantala, ipinaliwanag ni INHS Principal Arturo Rosaroso, Jr. ang kahalagahan ng solar panel project.
“The school program aims to create a healthy environment that is conducive to learning while saving energy, resources, and money. This is the process where schools pursue knowledge and practices with intentions of becoming more environmentally friendly and more economically responsible,” ayo kay Rosaroso.
“I want our learners to realize that despite the pandemic, schools shall not stop pursuing education sustainability and that they should not stop learning,” dagdag pa niya.
Siniguro naman ni Imus Mayor Emmanuel Maliksi na patuloy na susuportahan ang mga ganitong uri ng inisyatiba bilang pangangalaga sa kalikasan.
Nagbigay siya ng papugay kay Rosaroso at sa mga organisasyo’t opisinang nagsilbing daan upang ang noong pangarap ay maging katotohanan.
“It was just a dream at the beginning, a dream that we want to show, not only here in our school but also in our city that the incumbents and the entire people of Imuseño have true love, importance, and care for our environment,” sabi ng alkalde.