ILANG ESTUDYANTE SA BULACAN NAHILO SA INIT NG PANAHON
ILANG estudyante sa Malolos Integrated School-Catmon Campus sa Malolos City, Bulacan ang isinugod sa ospital makaraang mahirapang huminga dahil sa matinding init ng panahon.
Mayroon ding mga dumaing ng sakit ng ulo at pagkahilo kaya isinailalim ang mga ito sa medical check up.
Ayon sa mga guro, doble na ang mga electric fan na kanilang ginagamit dahil nahihirapan na ang mga estudyante sa mainit na panahon at hindi na rin makapag-pokus sa pag-aaral.
Paulit-ulit naman ang paalala ng mga guro sa kanilang mga estudyante na oras-oras ay uminom ng tubig upang maiwasan ang sakit lalo na ang heat stroke.
Magugunitang ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admiistration ang mas mataas na heat index o ramdam na init sa mga susunod na araw na may kaugnayan sa papasok na El Nino phenomenon.