HUMAN RIGHTS EDUCATION CENTER ITATAYO NG ATENEO DE ZAMBOANGA UNIVERSITY
NAKATAKDANG itayo ng Ateneo de Zamboanga University ang kauna-unahang Human Rights Education Center sa Rehiyon ng Zamboanga upang itaguyod at mas bigyang pagpapahalaga ang karapatang-tao ng mga bulnerableng sektor ng lipunan.
Sanib-pwersa itong bubuuin ng AdZU at ng Commission of Human Rights.
“Joining forces to champion human rights, the Ateneo de Zamboanga University, through its Social Awareness and Community Service Involvement office, forged a partnership with the Commission on Human Rights Region IX on establishing the region’s first-ever Center for Human Rights Education,” sabi ng AdZU
Dagdag pa, mas pag-ibayuhin ng pamantasan ang pag-aaral hinggil sa sitwasyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapasimula ng mga gawaing pampag-aaral, pagpapaunlad ng pamayanan, at iba pang programang ekstensiyon na ang tutok ay sa karapatang pantao.
Ang SACSI at AdZU College of Law-Center for Legal Service ang inaasahang mangangasiwa sa sentro sa oras na ito’y maitayo at buksan sa publiko.
Nananabik na ang pamunuan ng pamantasan sa naturang programa, ayon kay President Father Karel San Juan, SJ makaraang lagdaan ang memorandum of agreement, kasama sina AdZU Assistant to the President for Social Development John Mayo Enriquez, CHR Region 9 Director Atty. Judelyn Macapili at Promotion Division OIC Daniel Paculanang.