Region

HIGIT 7K ESTUDYANTE APEKTADO SA PAG-AALBURUTO NG MAYON

AABOT sa 7,689 mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo ang apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

/ 23 June 2023

AABOT sa 7,689 mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo ang apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ito ang kinumpirma ng Department of Education – Schools Division Office of Albay Disaster Risk Reduction Management Office.

Ang nasabing bilang ay kasama sa mga residente na pinalikas sa ika-pitong kilometro ng bulkan kung saan pinalawak na ang permanent danger zone o PDZ.

Tiniyak naman ni Alvin Cruz, coordinator ng Albay DRRM, na kanilang minomonitor ang pag-aaral ng mga estudyante sa evacuation center.

Walong paaralan mula sa tatlong munisipalidad ng Daraga, Camalig at Guinobatan ang ginawang evacuation centers kung saan doon na rin nag-aaral ang mga estudyante para magpatuloy ang kanilang kaalaman.

Ang mga paaralang ginawang evacuation center ay ang Gabawan Elementary School, Budiao Elementary School, Anislag Elementary School, Comun Elementary School, Taladong Elementary School, Bariw Elementary, Bariw National High School, at Mauraro National High Schoo.

Sinabi ni Cuz na kumikilos na rin ang Deped Albay para matiyak na nagpapatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante kahit nasa evacuation centers ang mga ito.