Region

HIGIT 100 ESTUDYANTE NAOSPITAL SA FIRE DRILL SA LAGUNA

/ 25 March 2023

MAHIGIT 100 estudyante ang nahilo at nag-collapse nang lumahok sa fire drill sa ilalim ng sikat ng araw sa Cabuyao City, Laguna nitong Marso 23.

Ayon kay Mayor Dennis Hain, nasa 3,000 estudyante ng Gulod National Highschool Mamatid Extension ang lumahok sa drill at 30 minutong nakatayo sa kasagsagan ng mainti na panahon.
Ang scout, aniya, ang nangangasiwa sa drill ng mga mag-aaral.

Sinasabing nasa 36 hanggang 43 degrees Celsius ang temperatura nang isagawa ang fire drill dahilan para mauhaw, mahilo hanggang himatayin ang mga estudyante.

Ang fire drill ay pagtalima ng paaralan sa kautusan ng Department of Education.

Ayon sa Cabuyao City Risk Reduction Management Office, 104 mag-aaral ay dinala sa Cabuyao General Hospital habang ang ilan ay ginamot sa Ospital ng Cabuyao.

Sa ngayon ay nasa maayos nang lagay ang mga mag-aaral.