GURO BINARIL HABANG PAPASOK SA ISKUL
PATAY ang isang lalaking guro makaraang barilin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng umaga sa Balagaban, Lanao del Sur.
Ayon sa Balabagan Municipal Police, nakilala ang biktima na si Danilo Barba, nagtuturo sa Balabagan Trade School na sakop ng nasabing lalawigan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo ang biktima sa paaralan nang lapitan ng suspek saka binaril.
Dead on the spot ang biktima bunga ng tama ng bala sa ulo habang mabilis na tumakas ang suspek.
Agad namang kinondena ng Bangsamoro Ministry of Basic Higher and Technical Education ang walang awang pagpatay sa biktima.
Sa social media post naman ng Division of Lanao Sur II, nakasaad ang matinding kalungkutan sa pagpanaw ni Barba na kinilala bilang isang ‘dedicated teacher’.
“It’s with profound sadness and deep indignation that the Schools Division Office of Lanao del Sur II confirms the untimely death of Mr. Danilo Barba, a dedicatede teacher of Balabagan Trade School,” nakasaad sa socmed.
Hangad din ng mga kapwa guro at ng School Division Office na makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Barba.
“May justice be served without delay, the Schools Division Office stands united in calling for a thorough investigation and for all those responsible to be held accountable to the full extent of the law,” panawagan nila.