GRADUATING CADETS NG PNPA ISINALANG SA CRASH COURSE
MATAGUMPAY ang ikalawang araw ng Civil-Military Operations Crash Course na isinagawa ng CMO School – Philippine Navy para sa graduating students ng Philippine National Police Academy sa Camp Gen. Castaneda, Silang, Cavite.
Mayaman sa impormasyon at karanasan ang narinig at nalaman ng mga kadete kung saan mismong si PNPA Director, Major General Eric E. Noble ang prime lecturer.
Naging kapa-kapanabik ang mga pagtuturo sa graduating cadets na miyembro ng MASIDTALAK 2023.
“They listened as they were inculcated with the techniques, edified with the importance of community relations and become civically and ethically responsible in their local communities by the master,” ayon sa PNPA.
Layunin ng crash course na maihanda ang mga kadete sa susunod nilang career lalo na’t inaasahan na sila ang magiging opisyal o lider sa PNP sa mga parating na henerasyon.
“In the long run, these soon-to-be youngest members of the Philippine National Police Officers’ Corps are getting prepped to become organizational ambassadors who will foster #goodwill among the people–their primary clientele, and help the community #thrive as a whole,” sabi ng PNPA.