GRADE 10 STUDENT MULA CAGAYAN WAGI NG 3 GOLDS 3 SILVERS SA WORLD SCHOLAR’S CUP
NAG-UWI ng karangalan sa bansa ang isang Grade 10 student mula Cagayan.
Si Jesu Manzano ay nagwagi ng 3 gold at 3 silver medals sa World Scholar’s Cup Tournament of Champions noong nakaraang Nobyembre sa Connecticut, USA.
Si Manzano ay kabilang sa apat na estudyante ng Ateneo de Manila University naging kinatawan ng bansa sa prestihiyosong kompetisyon.
Bukod sa mga medalya, si Manzano ay top 162 champion scholar mula sa 2,000 estudyanteng sumali mula sa 70 bansa sa buong mundo.
Ang mga magulang ni Manzano ay kapwa tubong Cagayan. Ang kanyang amang si Engr. Wreylord Manzano ay mula sa San Juan, Pamplona habang ang ina niyang si Dr. Maureen Ines Manzano ay taga-Sanchez Mira.
Ang World Scholar’s Cup Tournament of Champions ay isang academic competition na sinasalihan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa kung saan sinusukat ang kanilang galing sa Science-Technology, History, Literature, Music & Arts and Society.