GLOBE LIBRENG TAWAG, CHARGING, WIFI NAKA-STANDBY SA PAGTAAS NG ALERT LEVEL 3 SA TAAL
Naka-standby na ang serbisyong Libreng Tawag, Charging, at WiFi ng Globe matapos na itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Alert Level 3 o magmatic unrest sa bulkang Taal.
Nagkaroon ng sandali at mahinang pagsabog ang bulkan noong Huwebes ng hapon matapos maglabas ng volcanic ash noong mga nakaraang araw. Ang tumataas na lebel ng magma ay maaaring magdala pa ng mga pagsabog na mangangailangan ng paglikas ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Sa kasalukuyan, ang LTLCW ay nasa sumusunod na lugar:
Nakaantabay rin ang teknikal at support personnel ng Globe, gayundin ang mga generator para matiyak na mananatili ang mga serbisyo sa komunikasyon kahit mawalan ng koryente.Nagbigay ng katiyakan ang Globe na ang iba pang mga libreng serbisyong pangkomunikasyon ay maibibigay agad sa sandaling ipahayag na ligtas na para sa mga empleyado na pumunta sa itinalagang mga lugar.
Inihahanda rin ng Globe ang mga relief packs sa tulong ng Rise Against Hunger. Ang RAH ay isang matagal nang partner ng Globe sa paghahanda at pamamahagi ng pagkain sa mga taong apektado ng kalamidad.
Pinapayuhan din ng telco ang mga apektadong residente na manatili sa loob ng bahay maliban kung kinakailangang lumikas, magtabi ng sapat na pagkain, mag-imbak din ng tubig, ihanda ang mga face mask, first aid kits at ekstrang baterya para sa flashlight, at i-charge ang mga cellphones.
Ipinakita rin ng Globe ang suporta nito sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at lokal na pamahalaan ng Batangas sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahigit 1,000 kagamitan para sa mga evacuee sa pangunahing evacuation center ng probinsya. Ang mga gamit ay binubuo ng mga kumot, bedsheets, unan, twalya, electric kettle, lampara, at iba pa.
“Patuloy ang pagsuporta ng Globe sa pamahalaang lokal at pambansa, lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sakuna. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tawag, charging at WiFI, sana ay makatulong kami sa mga naapektuhan ng mga mabibigat na mga pangyayaring ito,” sabi ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP para sa Corporate Communications.
Nagbibigay rin ang Globe sa mga kustomer nito ng libreng data access para sa mga website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) (https://ndrrmc.gov.ph/) PHIVOLCS (https://www.phivolcs.dost.gov.ph/).
Pinaaalalahanan din ng Globe ang publiko na makinig lamang sa mga lehitimo at pinagkakatiwalaang websites para sa tamang impormasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lang ang GlobeICON on Facebook o bumisita sa globe.com.phpara sa pinakahuling #StaySafePH advisories.
Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals at nangangakong itataguyod ang 10 United Nations Global Compact principles https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html.