GLOBE, COLLEGE OF OUR LADY OF MT. CARMEL MAGKAAGAPAY SA ONLINE LEARNING
PARA matiyak na mataas ang kalidad ng edukasyong matatamo ng mga mag-aaral kahit na nasa panahon ng krisis pangkalusugan, minabuti ng College of Our Lady of Mt. Carmel sa Pampanga na makipagtuwang sa Globe Telecom sa utilisasyon ng Brightspace Learning Management System, Zoom, at Google Suits for Education.
Ang partnership na ito ang titiyak na ang serbisyo ng COLMC ay hindi papalya habang ang lahat ng klase’y online lamang isasagawa.
“One of the main reasons why we acquired an LMS is for us to be able to deliver the best quality of education especially during the extraordinary times. We believe that Brightspace is the best instrument for our institution. Moreover, Globe has been our partner for quite some time, and we can attest that their service will indeed enable us to achieve our goals during this new normal.,” sabi ni COLMC Vice President for Academic Affairs Dr. Ma Carmela Briones-Diaz,
Layon ng kolehiyo na manatiling holistiko ang kaunlaran ng mga mag-aaral at nais nitong suportahan ang mga kabataang Filipino na makamit at makapagbigay ng pinakamataas na health care system sa Filipinas.
Naniniwala rin ito na sa tulong ng partnership sa Globe ay makapagpoprodyus sila ng mga mag-aaral na compassionate, assertive, resilient, moral, excellent, at life-long learner alinsunod sa CARMEL core values ng COLMC.
Ang naturang programa ay ikinatuwa ng mga guro sapagkat mapadadali na ang paghahatid nila ng mga aralin kahit na nahaharap pa ang buong bansa sa suliraning dulot ng Covid19.
Ang pangakong pagsusulong ng ika-21 siglong pagtuturo at pagkatuto’y makakamit na rin dahil ang OLMC-Globe partnership ay isang panandang-bato na ang institusyon ay may up-to- date at world-class information technology.